Wednesday, May 2, 2018
HIRAP NG MAGCOMMUTE
Kalbaryo ang bumiyahe sa Metro Manila. Mabigat na daloy ng trapiko at palyadong serbisyo ng mga pampublikong sasakyan ay ilan sa mga krus na pinapasan ng isang commuter. Isang seryosong problema sa transportasyon ang matinding trapik. Ang mabagal na pag-usad ng napakaraming sasakyan ay parusa sa maraming mamamayan. Malinaw na nauubos ang oras sa mahabang paghihintay na makarating sa paroroonan. Malaking tulong sana ang elevator paakyat sa istasyon pero madalas sira ang mga ito. Maraming escalator rin ang may depekto. Idagdag pa ang siksikan sa loob ng tren lalo na pag rush hour. May mga pagkakataon pang pumapalya ang operasyon ng tren. Sa kasalukuyan kunti lang ang tren na bumibiyahe ng maayos. Hindi sulit ang bayad kung ikukumpara sa serbisyo na ibinibigay ng tren. 2.4 bilyong piso araw-araw ang nawawala sa ating ekonomiya dahil sa trapik ayon sa JICA noong 2014. Naranasan mo na bang maapakan ang paa o masiko ang tagiliran ng katabing gusto ring makasakay? At, makipag-away sa kapwa pasahero dahil sa kagustuhang makaupo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment